^

Bansa

44 bus ng Dimple Star pinigil

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
44 bus ng Dimple Star pinigil

Ito’y sa kabila ng kautusan ni Pangulong Duterte na suspindihin ang prangkisa ng mahigit 100 bus ng Dimple Star at arestuhin ang operator o may-ari nito matapos muling masangkot sa aksidente ang isang nitong bus noong Marso 20 na ikinasawi ng 19 katao habang 21 pa ang nasugatan sa Occidental Mindoro.

MANILA, Philippines — Pinigil ng pulisya na makabiyahe ang nasa 44 bus ng Dimple Star sa pier ng Roxas, Oriental Mindoro na patungo sana ng Occidental Mindoro at Iloilo City kamakalawa ng hapon.

Ito’y sa kabila ng kautusan ni Pangulong Duterte na suspindihin ang prangkisa ng mahigit 100 bus ng Dimple Star at arestuhin ang operator o may-ari nito matapos muling masangkot sa aksidente ang isang nitong bus noong Marso 20 na ikinasawi ng 19 katao habang 21 pa ang nasugatan sa Occidental Mindoro.

Ayon kay MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police spokesperson Supt. Imelda Tolentino, agad na ipinag-utos ni Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, Regional Director ng kanilang himpilan sa Provincial Directors ng Oriental at Occidental Mindoro na harangin at huwag pahintulutang bumiyahe ang mga bus ng Dimple Star.

Sinabi ni Tolentino na nasa 44 bus ang naharang ng pulisya bandang alas-4 ng hapon sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro kung saan 22 sa nasabing mga bus ay inimpound sa compound ng Occidental Mindoro Police Provincial Office sa bayan ng San Jose, ng lalawigan.

Samantala 22 naman sa naharang na mga bus ay dinala at inimpound sa grandstand ng Police Regional Office ng MIMAROPA sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Nabatid na sa kabila ng kautusan ng Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendido muna ang pagbiyahe ng nasabing mga bus habang iniim­bestigahan ang malagim ng trahedya ay tumuloy pa rin sa pagbiyahe ang nasabing mga bus.

Nasa 400 sa mga pasahero na lulan ng 22 bus ng Dimple Star na patungong Iloilo na pinigil sa Roxas Pier, Oriental Mindoro ay tinulungan naman ng mga awtoridad para makabiyahe ng maayos patungong Iloilo City.

DIMPLE STAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with