Drug cases nina Kerwin Espinosa, Peter Lim pinabubuksan ni Aguirre
MANILA, Philippines — Iniutos ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na muling buksan ang drug cases nina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pang suspek matapos na i-dismiss ito ng mga prosecutors noong Disyembre 2017.
“I issued an order vacating the dismissal of the case and ordered that the cases be wide open for both parties, complainants and respondents, to file whatever evidence they have in support of respective position,” wika ni Aguirre sa media briefing sa Malacañang.
Bumuo ng bagong panel si Aguirre na inatasan niyang rebyuhin muli ang kaso nina Espinosa, Lim, Co at iba pa.
Magugunita na sumambulat ang galit ni Pangulong Duterte ng malaman nitong dinismis ng DOJ prosecutors ang drug charges laban kina Espinosa, Lim at Co dahil sa umano’y mahinang ebidensiya na naiharap ng PNP-CIDG.
Inamin din ni Aguirre na ang ‘public uproar’ ang isa sa nagtulak sa kanya upang muling pabuksan ang kaso laban kina Espinosa at iba pa.
Sinisi ni Aguirre ang mahinang ebidensiyang iniharap ng PNP-CIDG kaya napilitang idismis ng DOJ prosecutors ang kaso ng mga ito.
“The prosecution still has the chance to strengthen its evidence by securing a copy of the transcripts of the Senate hearing. The parties are free and required to submit all their evidence in support of their position. I created a new panel for the purposes of reviewing the resolution, giving the parties a chance to submit additional evidence,” giit pa ni Aguirre.
- Latest