De Lima kay Aguirre: ‘Wag mag-resign, bagay ka sa tiwaling gobyerno
MANILA, Philippines — Hindi dapat magbitiw si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II dahil bagay aniya siya sa isang uri ng “kriminal” at “corrupt” na pamahalaan, ayon kay Sen. Leila De Lima.
Sa isang dispatch mula Kampo Krame, sinabi ni De Lima nitong kamakalawa na wala ring silbi kung bababa si Aguirre sa kanyang puwesto dahil hindi naman siya ang problema kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.
“This is why Aguirre should never resign. He is perfect for this kind of criminal and corrupt government, and for a criminal and corrupt President,” banat ni De Lima.
“In the meantime, we just have to forget about justice altogether, while the DOJ is still run by criminals, and while Malacañang is still occupied by a gangster. It is useless to ask Aguirre to resign, because he is not the problem. Duterte is. Without Duterte, someone as obnoxious and corrupt as Aguirre won’t even be DOJ Secretary,” dagdag pa ng nakapiit na senadora.
Umugong ang panawagan ng pagbibitiw ni Aguirre matapos ibasura ng Department of Justice ang mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga laban sa businessman na si Peter Lim at self-confessed na drug dealer na si Kerwin Espinosa, at iba pa.
Nagbanta din si Duterte na kanyang ipapalit si Aguirre kay Lim at Espinosa sa kulungan kung tuluyang mapapawalang-sala ang dalawa.
Nanindigan naman ang kalihim na hindi siya magbibitiw dahil patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng pangulo.
“Why should I resign? Did I do anything wrong?” wika ni Aguirre sa isang panayam sa The STAR.
Samantala, binigyang-diin ni De Lima na walang pakialam ang pangulo sa hustiya sa bansa maging sa paglaban sa krimen at kurapsiyon.
“It has taken great pains to exonerate drug lords and now, an accused plunderer, so it can use Napoles against opposition senators and congressmen, whether former or incumbent, and former Aquino officials,” pahayag ni De Lima.
“Duterte was never interested in fighting crime or corruption, as he continues to appoint the most shady and corrupt characters in government positions,” patuloy niya.
Buwelta pa ng senadora na ang tanging interes ng kasalukuyang adminitrasyon ay patahimikin ang mga kritiko at ang pagpapatuloy ng aniya’y mala-“Mafia gangster” na pagpapatakbo ni Duterte sa bansa.
- Latest