10 patay sa pagbagsak ng eroplano sa Bulacan
March 18, 2018 | 10:25am
MANILA, Philippines — Sampu ang patay matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano sa isang bahay sa Plaridel, Bulacan nitong Sabado.
Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bumagsak ang six-seater na Piper PA-23 Apache aircraft na pinapatakbo ng Lite Air Express patungong Laoag, Ilocos Norte matapos ang takeoff nito sa Plaridel Airport bandang 11:21 ng umaga.
Sakay umano ng sasakyang paghimpapawid ang tatlong pasahero bukod pa ang piloto at mekaniko nito.
Kinumpirma naman ni Plaridel police chief Supt. Julio Lizardo na patay ang lahat ng sakay ng eroplano maging ang limang miyembro ng pamilya sa bahay na nabagsakan nito.
Kinilala naman ang mga nasawi na sina Capt. Ruel Meloria, piloto; mekanikong si Romeo Huenda at ang mga pasaherong sina Alicia Necesario, Maria Vera Pagaduan and Nelson Melgar.
Kabilang naman sina Risa dela Rosa; ang kanyang nanay na si Louisa, 80, at ang kanyang mga anak na sina John John, 17; Timothy, 11 and Trisa, 7, sa mga nasawi sa nasabing tahanan.
Sinabi ng amang si Noel dela Rosa na nananghalian lamang ang kanyang pamilya nang bumagsak ang eroplano. Nasa trabaho din aniya siya at agad umuwi nang malaman ang balita.
Narekober naman ang katawan ng mga biktima sa pinangyarihan ng insidente bandang 4:30 ng hapon ayon kay Bulacan police director Senior Supt. Romeo Caramat.
Sugatan naman sina Verginia Marquez, 60, and Santino Salinas, 11, matapos sumiklab ang sunog dahil na rin sa insidente.
Inihayag naman ni CAAP spokesman Eric Apolonio na hirap pang tukuyin ng pulisya at ng CAAP ang rason ng pagbagsak ng eroplano.
Dagdag ng ahensya na lahat ng aircraft na pinapatakbo ng Lite Air Express ay hindi muna papayagang makalipad hanggat wala pang resulta ang imbestigasyon kaugnay ng pangyayari.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am