^

Bansa

‘Passport on Wheels’ pinalakas ng DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
âPassport on Wheelsâ pinalakas ng DFA

MANILA, Philippines — Upang maibsan ang problema sa “backlog” at mabigyan ng mas mabilis na serbisyo ang publiko, pinalakas pa ng Department of Fo-reign Affairs (DFA) ang programa nitong “Passport on Wheels” (POW) na umaarangkada na sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mula sa pamamahala ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, inilunsad ang Passport on Wheels noong Enero 15, 2018 at ipinagmamalaki ngayon ng kagawaran na sa loob lamang ng mahigit isang buwan ay umaabot na sa kabuuang 25,645 passport applicants ang kanilang naserbisyuhan.

Ayon sa DFA, sa nag­daang 45 araw, nakapag-ikot na ang POW sa may 12 lungsod, walong munisipalidad at mga tanggapan ng government-owned and controlled corporations.

Nabatid na nakapag-deliver ng serbisyo ang POW sa malalayong lugar sa hilagang bahagi ng Luzon partikular sa Laoag City sa Ilocos Norte at Capas, Tarlac at patungong katimugan sa Bay, Laguna at Silang, Cavite.

Sa National Capital Region, nagbigay ng serbisyo ang POW team sa mga siyudad ng Las Piñas, Manila, Muntinlupa, Marikina, Caloocan, Pasig, Mandaluyong at Navotas na dinagsa ng libu-libong aplikante.

Ang POW team, ayon sa DFA ay nag-cater din sa mga kawani o emple­yado ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa main office nito sa Maynila.

Ayon kay Cayetano, layunin ng POW na ma­paganda ang consular services ng DFA pagda-ting sa mabilis na pagpoproseso ng mga passport applications at upang maiwasan ang backlog.

Magugunita na nagkaroon ng aberya sa passport processing na naging sanhi ng libu-libong backlog ng mga pasaporte sa nagdaang mga termino.

 Sa kabila nito, sinabi ng DFA na sa kanilang pagsisikap, ang Mobile Passport Service ng DFA’s Office of Consular Affairs (DFA-OCA), na siyang nagbibigay serbisyo sa publiko kada Sabado simula pa noong 2003 ay nakapag-accommodate na ng 12,320 passport applicants sa may 15 lokasyon nitong Enero hanggang Pebrero 2018.

Ang main office ng DFA-OCA sa DFA-Aseana ay bukas para sa mga passport applications kada Sabado simula noong Pebrero 10, 2018 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Dahil sa karagdagang isang araw sa kanilang ope­rasyon bawat linggo, nakapagsilbi ang DFA Aseana ng 3,554 pang passport applicants nitong nagdaang Pebrero.

Sinabi ng DFA na sa kanilang pagsisikap na maibigay ang mala-king demand para sa 10-years (validity) passport, nakatakda rin silang magbukas ng mga karagdagang walong consular offices sa mga key cities at provinces, at upang maipatupad ang kanilang e-payment system.

Nitong nagdaang mga buwan, sinabi ni Ca­yetano na nabawasan na ang “waiting time” na tatlong buwan para sa mga “online appointments” o “renewal” ng passport at naging anim na linggo na lamang ito. Sa kabila nito, inamin ng kalihim na hindi pa rin sapat ito bagama’t nakatakdang magbukas pa ang mga bagong consular offi-ces ngayong taon para lamang maproseso ang mas marami pang passport applications.

Sinabi ni Cayetano na ang mga POW na ipinakalat sa iba’t ibang lugar ay may tig-limang makina sa loob nito kung saan kada machine ay maaaring mag-produce ng 80-100 pasaporte kada araw.

Nabatid na nag-iisyu ang DFA ng 10,000 hanggang 12,000 pasaporte kada araw mula sa may 21 regional consular offices sa buong bansa at sa mga satellite offices nito sa Metro Manila.

Simula Enero 2018, matapos na pirmahan ni Cayetano noong Oktubre 15, 2017 ang Department Order 010-2017 o “Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10928 (2017)”, inumpi­sahan na ang pagbibigay ng 10-years validity passport.  Kasunod ito sa paglalagda ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa nasabing bagong batas (“An Act Extending the Validity of Philippine Passports, Amending for the Purpose Section 10 of Republic Act No. 8239, o mas kilala na “Philippine Passport Act of 1996”) noong Agosto, 2017.

Base sa IRR ng DFA alinsunod sa bagong batas, ang mga Pilipino na nagkaka-edad ng 18 o pataas, sa oras ng kanilang aplikasyon ay maaaring mabigyan ng 10-taon pasaporte.

“Regular passports issued to Filipinos eigh-teen (18) years of age or older at the time of application shall be valid for ten (10) years,” ayon sa IRR ng DFA.

Gayunman, ang mga menor-de-edad o mas mababa sa 18-anyos ay mabibigyan lamang ng pasaporte na may 5-taong validity.

“Regular passports issued to Filipino under eighteen (18) years of age at the time of application shall be valid for (5) years,” saad sa IRR.

“The Department of Foreign Affairs may limit the period of validity of passports to less than ten (10) years whenever the economic interest   or political stability of the country requires such restriction,” nakapaloob pa sa IRR.

Nananatili naman ang passport fee na P1,200 para sa “express” processing ng 7 working days habang P950 para sa “normal” processing na umaabot sa 15 working days.

Sa mga nagnana­is na mag-apply ng pa­saporte sa online, maaaring makakuha ng appointment sa DFA website na www.passport.gov.ph.

PSN32ANNIV2018

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with