^

Bansa

Bong Go sa pagtakbo bilang senador: Maaga pa para sa pulitika

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Bong Go sa pagtakbo bilang senador: Maaga pa para sa pulitika

MANILA, Philippines — Kahit na wala pa sa kanyang isip ang pumasok sa pulitika, ikinatuwa ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ngayong Miyerkules ang suporta na kanyang nakukuha mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang taga-suporta.

Ngunit sinabi ni Go na kahit hindi maaaring isantabi na lang ang “nag-uumapaw” na suporta at panghihimok mula mismo sa pangulo, maaga pa aniya para pag-usapan ang pulitika.

“For the Mayor to say that he will support me to the hilt if I decide to run is more than I could ask for. For him to say that he also wants me to seek a higher post, to prove something to myself and that I could also grow, only shows how unselfish Mayor Rody is. I am deeply humbled by his inspiring words,” wika ni Go.

BASAHIN: Bong Go may ‘K’ mag-senador – Sara

“Trabaho po muna ako para sa pangulo at para sa bayan,” dagdag niya.

Ipinangako din ng kalihim na magsisilbi siya para kay Duterte “hanggang kamatayan.”

Samantala, nauna rito’y inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Go sa pagkasenador.

Kilala aniya ni Duterte-Carpio si Go mula sa pagkabata at hindi din aniya matatawaran ang kanyang katapatan sa pangulo kung saan siya nagtrabaho nang napakahabang panahon.

 “We all know ang experience ni Bong Go sa government. He has been with PRD from since the 1990’s kaya malaki na ang kaniyang experience sa pang-gobyerno,” ani ng alkalde.

Kahit na nagsimula lang aniya sa isang biro, handa naman si Go na tumupad sa kanyang tungkulin kung sakaling matuloy siya sa pagtakbo sa pagkasenador at sinabing susundin niya ang magiging desisyon ni Duterte.

Related video:

2019 MIDTERM ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with