Cycle ng smuggling tuloy – Gordon
MANILA, Philippines — Malaking buwis ang nawawala sa gobyerno dahil sa karumal-dumal na cycle ng smuggling, ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon tungkol sa P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs noong nakaraang taon, nagprisinta pa si Gordon ng ilang pekeng produkto kabilang ang krayola na nagtataglay ng nakakamatay na kemikal.
“Ito po ang tinatawag na talagang karumal-dumal na siklo, or cycle na smuggling,”pahayag ni Gordon.
Hindi na aniya kayang makipag-kumpetensiya ng mga domestic manufacturing sa mga murang smuggled na produkto kaya maging ang pako ay hindi na magawa sa bansa.
“Domestic manufacturing can’t compete with cheap smuggled goods… Sa madaling sabi, talo ang domestic kaya magtataka kayo ni pako hindi na natin ma-produce sa ating bansa,” ani Gordon.
Sinabi pa ni Gordon na trabaho ng gobyerno na masawata ang smuggling dahil nagiging dahilan rin ito sa pagkawala ng trabaho ng marami.
Pinuna rin ng senador na sa loob ng ilang taon ay hindi nakakuha ng BOC ang target na buwis.
- Latest