^

Bansa

Dahil mababa daw sa rankings, sistemang pang-edukasyon pinapa-rebyu ni Gatchalian

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Dahil mababa daw sa rankings, sistemang pang-edukasyon pinapa-rebyu ni Gatchalian
In this January 2017 photo, Sen. Sherwin Gatchalian is photographed in a meeting with President Rodrigo Duterte.
PPD

MANILA, Philippines — Dahil sa mababang puwesto pagdating sa kalidad ng edukasyon sa mga international rankings, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian ngayong Linggo ang Senado na magsagawa ng isang komprehensibong performance review ukol sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Inihain ni Gatchalian, vice-chairman of the Senate Committee on Education, Arts and Culture, ang Senate Resolution No. 675 na nag-uutos sa Senado na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa kasulukuyang estado ng sistemang pang-edukasyon sa bansa partikular sa pagiging epektibo ng mga umiiral na batas at patakaran sa edukasyon.

"Essentially our aim is to conduct an honest, objective performance review of the entire education system, encompassing everything from day care all the way up to the post-graduate level, as well as non-formal and special education," wika ni Gatchalian.

Sa paghahain ng resolusyon, kinilala ng senador ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapabuti ang sistemang pang-edukasyon sa bansa kabilang ang Republic Act 10533 o K-12 Law, Republic Act 10687 o UniFAST Law, at ang Republic Act 10931 o Free Higher Education Law.

Samantala, lumabas naman sa Global Competitiveness Index 2017-2018 ng World Economic Forum na nasa ika-66 na puwesto ang Pilipinas mula sa 137 bansa pagdating sa kalidad ng primary education, nasa ika-74 na ranggo pagdating sa higher education, habang 76th naman sa kalidad ng math and science education.

Base naman sa 2017 Global Innovation Index, nasa 133th ang kalidad ng edukasyon ng Pilipinas mula sa 127 na bansa.

Dahil dito, binigyang-diin ni Gatchalian na ang resulta ng isang comprehensive review ay kritikal upang matulungan ang pamahalaan sa paggawa ng mga reporma at polisiya upang mapabuti ang sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Tutupad din aniya ito sa tungkulin ng gobyerno na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng antas ayon na rin sa Saligang Batas.

"With special emphasis on collecting and analyzing concrete empirical evidence regarding key educational access and quality indicators, a comprehensive review would be pivotal to crafting responsive legislation and policies that will put the country on the right path toward the transformation of the Philippine education system into a world-class institution," sambit ni Gatchalian.

"I am hopeful that this Senate inquiry will serve as the solid foundation atop which we can build the world-class education system that the Filipino people deserve," dagdag niya.

EDUCATION

RANKINGS

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with