Cayetano sa UN human rights chief: 'Wag nang mang-insulto
MANILA, Philippines — Dinepensahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa komento ni United Nations human rights chief Zeid Ra’ad Al-Hussein na kailangan ng pangulo na sumailalim sa isang psychiatric evaluation.
Nakiusap si Cayetano kay Zeid na itigil na ang “iresponsable at walang galang” na pahayag o “pang-iinsulto” sa pangulo.
Sinabi pa ng foreign affairs chief na kailangan ng mundo ang mga pinunong katulad ni Duterte.
“The Philippines takes grave exception to the irresponsible and disrespectful comments of the United Nations (UN) High Commissioner for Human Rights that cast untoward aspersions regarding the President of the Republic of the Philippines,” wika ni Cayetano.
“This action of High Commissioner Zeid Ra’ad Al-Hussein is completely uncalled for and demeans not only the head of state of a member-state, but tarnishes the reputation of the Office of the High Commissioner,” dagdag niya.
Nitong biyernes, sinabi ni Zeid na kailangan ni Duterte ng isang psychiatric evaluation matapos maisama si UN special rapporteur on the rights of indigenous peoples Victoria Tauli-Corpuz sa listahan ng mga terorista ng pamahalaan.
Ginawa din ni Cayetano ang kanyang pahayag sa kabila ng pagtawag ng pangulo sa kanyang mga kritiko na sina UN special rapporteur for extrajudicial killings Agnes Callamard bilang “undernourished one” at International Criminal Court prosecutor Fatou Bensouda bilang “black woman.”
Bumanat pa si Zeid sa aniya’y kalapastanganan ni Duterte laban kay Callamard na kilalang kritiko ng kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
“This is absolutely disgraceful that the president of a country could speak in this way, using the foulest of language against a rapporteur that is highly respected,” sambit ni Zeid.
Buwelta naman ni Cayetano na ang “pang-iinsulto” ni Zeid kay Duterte ay lagpas na sa kanilang mandato.
“The Philippines is perturbed over the manner in which a ranking UN human rights official can overstep his mandate and insult leaders of member-states without first giving them due process,” ani Cayetano.
“This could set a dangerous precedent that the council would have to immediately address as otherwise member-states could also fall victim to those who seek to politicize and weaponize human rights to undermine legitimate governments,” pagpapatuloy niya.
Samantala, nagpasaring din si Presidential spokesman Harry Roque sa pahayag ni Zeid at sinabing insulto ito sa soberenya ng bansa bilang isang miyembro ng UN.
Paninira din aniya ito hindi lamang sa mga Pilipino kundi pati sa lahat ng bansa na ang lider ay inihalal ng mga mamamayan.
Dagdag ng tagapagsalita na dapat irespeto ni Zeid ang pangulo na may demokratikong mandato sa taumbayan maging ang demokrasyang mayroon ang Pilipinas.
- Latest