Pantay na responsilidad ng mga magulang isinulong
March 10, 2018 | 3:17pm
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Leila de Lima ngayong Sabado ang panukalang magbibigay ng pantay na karapatan at pangangalaga sa pagitan ng mag-asawang babae at lalaki sa kanilang mga tahanan maging ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Inihain ni De Lima ang Senate Bill no. 1730 na naglalayong ma-amyendahan ang mga Article 14,12, 124, 211 at 225 ng Executive Order (EO) no. 209 o ang Family Code of the Philippines kung saan makikita ang hindi pantay na pribilehiyo, kapangyarihan at kontrol sa pagitan ng mag-asawa.
“This bill seeks to rectify the inequality in decision-making in the household by amending certain provisions in the Family Code of the Philippines,” wika ni De Lima.
“These provisions are deemed patriarchal and detrimental to establishing the status of married women as partners and equals in their own homes. Progressive amendments more apt with the current times are thus introduced in this bill,” dagdag niya.
Layunin din ani senadora ng naturang panukala na maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian gayong bibigyan ng nasabing mga artikulo ng EO ng mas katanggap-tanggap na pagtrato ang mga ama ng tahanan.
Ipinanukala din niya na sa ilalim ng Sec. 4 Art. 211, kapag mayroong hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa sa pagtupad sa responsibilidad at awtoridad para sa kanilang mga anak ay ipapaubaya na lang ang desisyon sa korte.
Sa ilalim naman ng Sec. 4, Art. 225, nais ni De Lima na ibigay din sa korte ang desisyon kung kaninong pangangalaga maipagkakaloob ang pag-aari ng isang anak kung sakaling nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang mag-asawa.
“These provisions are not to be taken for granted knowing that the woman's importance in nation-building starts from her role in the basic unit of society, the family,” sambit pa ng senadora.
Balak din ni De Lima na maamyendahan ang Sec.2, Art. 96 at Sec.3, Art. 24 ng nasabing EO na kasalukuyang pumapabor sa desisyon ng asawang lalaki sa pagmamay-ari ng “community proptery” at “conjugal partnership.”
Ipinaliwanag din ni De Lima na sa hindi pagkakasunduan, sinuman sa mag-asawa ay maaring mag-isang mangasiwa sa community at conjugal na properties kahit na walang tamang kautusan mula sa hukuman.
Isinusulong din ng senadora na marebisa ang Sec. 1, Art. 14 ng parehas na panukala upang linawin ang mga requirements na kailangan para sa mga magkasintahan na may edad 18 hanngang 21 na nagpaplanong magpakasal.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended