^

Bansa

One-year ban sa pag-appoint ng police, military officers pinatatanggal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
One-year ban sa pag-appoint ng  police, military officers pinatatanggal

Sa panukalang batas ni Pimentel, sinabi nito na ang one year ban ay sagabal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng kanyang alter-ego.  

Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nais ni Senate President Koko Pimentel na tanggalin na ang one-year ban sa pagtatalaga ng mga retirado at nagbitiw na opisyal ng militar at pulisya bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Sa panukalang batas ni Pimentel, sinabi nito na ang one year ban ay sagabal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng kanyang alter-ego.

Ang mga opisyal ng militar at pulisya ay hindi maaring italaga sa pinakamataas na posisyon sa DILG sa loob ng isang taon matapos magretiro o magbitiw sa puwesto.

Naniniwala si Pimentel na walang halaga ang nasabing ban at nade-delay lamang ang pagtatalaga ng Pangulo sa mga karapat-dapat na indibiduwal.

Dapat na aniyang alisin ang ban na nakasaad sa Section 8 ng Republic Act 6975 o ang DILG Act of 1990.

Nakasaad sa nasabing batas na hindi puwedeng italaga ang isang retirado o nag-resign na opisyal ng pulisya at militar bilang kalihim ng DILG kung hindi natatapos ang isang taong ban.

Naniniwala naman si Pimentel na hindi dapat magkaroon ng sagabal sa kapangyarihan ng Pa­ngulo sa pagtatalaga ng mga taong sa tingin niya ay nararapat sa posisyon.

PULISYA

SENATE PRESIDENT KOKO PIMENTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with