Sereno nagbakasyon na!
MANILA, Philippines — Simula bukas ay naka-“indefinite leave of absence” na si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay kasunod ng mainit na deliberasyon sa SC en banc kung saan kinompronta umano ng mga kapwa niya mahistrado si Sereno.
Nais pa umano ng ibang mahistrado na magbitiw na si Sereno sa pwesto makaraang lumitaw sa House Justice committee impeachment hearing ang mga kakulangan niya sa documentary requirements nang siya ay mag-aplay bilang punong mahistrado.
Ang ilan sa mga mahistrado ay nagpahayag na rin ng kawalan ng kumpiyansa kay Sereno.
Kabilang na rito ang hindi pagpa-file at hindi pagdedeklara ng kanyang kita bilang abogado ng PIATCO, ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at ang umano’y illegal appointments ng hindi dumaan sa en banc.
Sa huli ay napilit na rin si Sereno na maghain ng indefinite leave.
Sa panig naman ni Sereno, iginiit ng kanyang abugado na si Atty. Jojo Lacanilao na “wellness leave” lamang ang ihahain ng punong mahistrado simula sa March 1 hanggang March 15 para paghandaan ang impeachment trial.
- Latest