^

Bansa

Speakership kay Sara?

Butch M. Quejada, Rudy Andal, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Speakership kay Sara?

Ito ang maugong na espekulasyon sa Mababang Kapulungan kasunod ng pagkagalit ni Duterte-Carpio sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang Davao City Mayor ay isa na ngayong oposisyon. 

Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ang pagtatayo ng sariling partido ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay isa umanong indikasyon na siya ang gagawing Speaker of the House of Representatives kapag siya ay tumakbo at nanalong Kongresista ng kanyang distrito.

Ito ang maugong na espekulasyon sa Mababang Kapulungan kasunod ng pagkagalit ni Duterte-Carpio sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang Davao City Mayor ay isa na ngayong oposisyon.

Ayon sa ilang mambabatas sa Kamara, maugong ang balitang nabibilang na ang araw ni Alvarez bilang Speaker dahil isa siyang divisive leader o nagbubunga ng pagkakahati ng House.

Nauna nang kinumpirma ni Duterte-Carpio na plano niyang tumakbo sa Kongreso pero hindi bilang Senador kundi bilang Representante ng kanyang distrito sa Davao.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Sara na ikinagalit niya ang mga pahayag umano ni Alvarez na ang bagong tatag na partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay produkto ng political dynasties at bahagi sila ng oposisyon.

Bukod dito ayon kay Mayor Duterte, sinabi rin umano ni Alvarez na walang permiso mula sa Pangulo ang pagtatatag nila ng HNP kaya silang lahat ay bahagi ng oposisyon.

Ipinagtataka naman ng Alkalde kung bakit siya ang inaatake ni Speaker sa Davao City bagamat alam niya na may problema sila sa Davao del Norte.

Ikinagalit din niya ang pahayag ni Alvarez na may kapangyarihan siya na i-impeach ang Pa­ngulo.

Nilinaw naman ng batang Duterte na mayroong blessing ng kanyang ama ang pagtatatag ng HNP at ipinaalam na rin niya na hindi siya sasali sa ruling party na PDP-Laban.

Nauna na rin itinanggi ni Alvarez ang mga pahayag ng Alkalde.

“Wala akong sinasabi na kabilang sa oposisyon si Sarah hindi ko alam kung saan ito nanggaling,” paliwanag ni Alvarez.

Ayon kay Alvarez, ma­lamang may nag-fed ng maling impormasyon kay Sarah kaya nanggagalaiti ito sa galit sa kanya.

Samantala, dumistansya naman si Pangulong Duterte sa bangayan nina Sara at Alvarez.

Sa halip ay sinabi ng Pangulo na pareho namang abogado sina Mayor Sara at Speaker Alvarez at hahayaan na lamang niya ang mga itong lutasin ang hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, noon pa man ay sadyang gusto na ng kanyang anak na bumuo ng grupo sa Davao.

Inihayag pa ng Pa­ngulo na iniintriga lamang ito ngayon ng media at idinidikit sa hinalang plano umano ng anak na tumakbo sa mas mataas na posisyon o pagiging presidente.

Iginiit ni Pangulong Duterte na kung tutuusin ay ayaw na ng kanyang anak sa politika pero pinipigilan lang niya ito sa ngayon.

vuukle comment

DAVAO CITY MAYOR SARA DUTERTE-CARPIO

HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

SPEAKER OF THE HOUSE OF REPRESENTATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with