Kahit tumitindi na ang init, hindi pa summer - PAGASA
MANILA, Philippines — Ihanda na ang panangga sa sikat ng araw dahil ayon sa state weather bureau ay mas tataas pa ang temperatura sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.
Nilinaw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon na sa kabila ng umiinit na klima ay hindi pa tag-init.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Lorie de la Cruz na nararamdaman ang maalinsangang panahon dahil sa pagkalusaw ng hanging amihan.
“The effects of the northeast monsoon can only be felt in Northern Luzon. We expect the northeast monsoon to end by March or early April,” sabi ni De la Cruz.
Samantala, isang low pressure area ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong araw ngunit mababa ang tsansa nitong maging bagyo.
- Latest