^

Bansa

Ex-Sulu governor, anak kinasuhan sa Sandigan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa ‘di pagdedeklara ng SALN

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si da­ting Sulu Gov. Abdusakur Tan at kanyang anak na si Maimbung Mayor Samier Tan dahil sa hindi umano tamang pagdedeklara ng yaman sa kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Limang kaso ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isinampa laban sa nakatatandang Tan dahil sa hindi paghahain ng SALN mula 2007-2011 habang dalawang kaso ang isasampa sa kanyang anak na si Samier na hindi naghain ng SALN mula 2010-2011.

Inirekomenda ng korte ang tig-P10,000 piyansa para sa bawat kaso sa mag-amang Tan para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Ang hindi paghahain ng SALN ay may kaakibat na pagkakakulong na aabot hanggang limang taon at multang P5,000. Samantala, maaari rin na pagbawalan ng korte ang akusado na muling makahawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

ABDUSAKUR TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with