^

Bansa

Bagong Konstitusyon ihaharap bago SONA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bagong Konstitusyon ihaharap bago SONA

Sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno ng siya ring chairman ng komite, balak nilang tapusin ang pagbalang­kas ng bagong Saligang Batas bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo. 

Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pormal nang magko-convene ang consultative committee sa Lunes para umpisahan ang pag-aaral sa pag-amyenda ng 1987 Constitution para makabuo ng bagong Saligang Batas tungo sa federal set-up ng gobyerno.

Sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno ng siya ring chairman ng komite, balak nilang tapusin ang pagbalang­kas ng bagong Saligang Batas bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo.

Ayon kay Justice Puno, kung sakaling aprubado na ito ni Pangulong Duterte, siya na ang magpiprisinta sa Kongreso o Constituent Assembly para ratipikahan.

Ipinaliwanag ni Puno na sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong Saligang Batas, bubuwagin na ang kasalukuyang unitary set-up kung saan ang kapangyarihan ng gobyerno ay hawak lamang ng central government.

Kapag naging federal na ang porma ng gobyerno, ibabahagi na umano ang kapangyarihan sa mga rehiyon o sub-state.

Nilinaw naman ni Puno na sa ngayon ay wala pa silang naiisip na modelo ng federal form of government dahil kakaiba ang gagawing proseso kumpara sa ginawa ng Estados Unidos at mga European countries.

1987 CONSTITUTION

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with