Anti-drug war ni Duterte sisimulang silipin ng ICC
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang na sisimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang preliminary examination nito kaugnay sa ipinaabot na ‘reklamo’ ni Senador Antonio Trillanes IV sa giyera sa droga at paglabag umano ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa karapatang pantao.
“Wala pang makakapag-angkin ng tagumpay dahil nasa antas pa lang tayo ng preliminary examination,” paliwanag pa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing kahapon.
Inireklamo ng mga kritiko si Pangulong Duterte sa pangunguna ni Trillanes sa ICC ng crime against humanity kaugnay sa inilunsad nitong drug war.
“Ang mga kalabang pulitikal ni Duterte ang nasa likod ng kaso laban sa drug war ng Pilipinas sa ICC pero mabibigo ang mga nag-aakusa kay President Duterte ng crime agains humanity,” dagdag ni Roque.
Aniya, nakahanda ang gobyernong Duterte na sagutin ang reklamo sa ICC.
Aminado ang palasyo na nagdesisyon na ang ICC prosecutor na magsagawa ng preliminary examination upang mabatid kung mayroong batayan ang reklamo para magsagawa ng formal investigation ito kaugnay sa reklamo laban kay Pangulong Duterte na crime against humanity kaugnay sa inilunsad nitong war of drugs.
Ikinagalak naman ni Trillanes ang pag-usad ng kanilang reklamo ukol sa war on drugs ng ICC.
Sinabi ni Trillanes na ang hakbang na ito ay para sa unti-unting pagkamit ng hustisya ng pamilya na biktima ng extra judicial killings.
Ang mambabatas ay kasalukuyang nasa labas ng bansa para sa ilang aktibidad na kailangan nitong daluhan.
Related video:
- Latest