^

Bansa

Bangkay ng Pinay nakita sa freezer sa Kuwait

Rudy Andal at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng Pinay nakita sa freezer sa Kuwait

 “Bineberipika pa ng ating labor attaché kung isa ngang Pilipina ang bangkay,” sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng babae na hinihinalang isang domestic helper na Pilipina ang natagpuan sa loob ng isang freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait noong Miyerkules. Pinaniniwalaan ng mga awtoridad doon na mahigit nang isang taon sa naturang freezer ang biktima.

“Bineberipika pa ng ating labor attaché kung isa ngang Pilipina ang bangkay,” sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Napaulat ang pagkakadiskubre sa bangkay kasabay ng pahayag ng Malacañang na napipintong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait sa susunod na buwan para lumagda sa kasunduan para sa dagdag na proteksyon ng mga overseas Filipino worker sa Kuwait.

Ayon sa ulat ng Arab Times, natuklasan ng pulisya ang bangkay habang isinisilbi nila ang isang court order para mapalayas sa Salmiya apartment ang mga tenant dito.

Nabatid na ang apartment na kinatagpuan sa bangkay ay naunang pag-aari ng isang mag-asawa na isang babaeng Syrian at lalakeng Lebanese na mayroong katulong na Pilipina. Umalis ng Kuwait ang mag-asawa noong 2016 dahil sa arrest warrant laban sa lalakeng Lebanese.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inilalatag na ang pagpunta ni Duterte sa Kuwait makaraang makaharap ng Pangulo ang ambassador ng Kuwait sa Pilipinas na si Saleh Ahmad Althwaikh.

Sinabi ni Roque na hindi niya alam kung ano ang magi­ging adyenda ng Punong Ehekutibo sa naturang pagbisita pero ipinalalagay niya na ang imbitasyon ay isang paraan ng pamahalaang Kuwaiti sa pagtugon sa pagkabahala ni Duterte sa sitwasyon ng mga domestic helper na Pilipina sa naturang Gulf state.

Naunang sinuspinde ng Pangulo ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng ilan niyang kababa­yan doon. Nabanggit pa niya na dapat pauwiin na lang sa Pilipinas ang lahat ng mga Pilipinong nasa Kuwait kapag may isa pang manggagawang Pilipino ang namatay doon.

Kasabay ng pulong ni Duterte at ng Kuwaiti ambassador, nabatid sa isang ulat ng Kuwait Times na isang babae na ipinalalagay na isang domestic helper na  Pilipna ang natagpuang patay sa loob ng freezer sa isang apartment sa Salmiya City, Kuwait.  Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa na kailangan pa ring beripikahin kung talagang Pilipina ang biktima.

Samantala, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na target ng pagbisita ng Pa­ngulo sa Kuwait sa susunod na buwan ang paglagda sa kasunduan na magbibigay ng dagdag na proteksyon sa mga OFW doon.

Tiniyak naman ni Bello na habang wala pa ang kasunduan ay titiyakin ng gobyerno na mabigyan ng legal at moral protection ang mga may problemang OFW’s sa Kuwait.

Nanawagan naman si Act-OFW partylist Rep. John Bertiz sa publiko na suportahan ang total ban ng deployment ng mga OFW sa Kuwait matapos na madiskubre ang bangkay ng isang Pilipina na nasa loob ng freezer.

KUWAIT

OFWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with