^

Bansa

Unang linggo ng Tokhang: 800 adik at tulak sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Unang linggo ng Tokhang:  800 adik at tulak sumuko

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, walang namatay  sa drug war  mula sa kabuuang mahigit 2,000 Tokhang operations na isinagawa ng PNP simula nitong Lunes hanggang kahapon .   Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bloodless!

Hindi naging madugo ang unang linggo ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) habang aabot naman sa 800 drug personalities ang sumuko sa iba’t-ibang dako ng bansa kaugnay ng muling pagbabalik ng mga operatiba ng pulisya sa giyera kontra droga.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, walang namatay  sa drug war  mula sa kabuuang mahigit 2,000 Tokhang operations na isinagawa ng PNP simula nitong Lunes hanggang kahapon .

Ayon kay Bulalacao, nasa 821 drug personalities naman ang sumuko sa unang linggo ng Oplan Tokhang.

Nitong Lunes ay muling inilunsad ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang bagong Oplan Tokhang at ang anti-drug operations ng PNP alinsunod sa ipinalabas na ‘supplemental operational guidelines’. Sa ilalim ng nasabing  panuntunan, tuwing Lunes hang­gang Biyernes lamang maaring magsagawa ng Oplan Tokhang mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at bawal rin ito tuwing Sabado at linggo.

Karamihan sa mga nagsisukong drug pushers at users ay mula sa Region 10  na nakapagtala ng 400 drug surrenderees at pangalawa naman ang Region 9 na nasa 300 mga nagsisuko.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with