^

Bansa

‘Tokhangers’ armado ng rosaryo, bibliya

Pilipino Star Ngayon
âTokhangersâ armado ng rosaryo, bibliya

MANILA, Philippines — Naniniwala ang hepe ng Eastern Police District (EPD) na matitigilan ang panlalaban ng mga drug suspect tuwing aarestuhin kapag nakita nila ang armas ng “tokhangers.”

Sinabi ni EPD director Chief Supt. Reynaldo Biay na magiging mapayapa ang kanilang operasyon dahil armado ng rosaryo at bibliya ang mga pulis na magsasagawa ng Oplang Tokhang.

“The Bible and rosary would greatly help our efforts to convince drug pushers and users to surrender peacefully,” sabi ni Biay na inabisuhan ang kaniyang mga tauhan na huwag gumamit ng pwersa sa mga pushers at users.

“We should use diplomacy to prevent a bloody confrontation,” dagdag niya.

Inilunsad ang pagbabalik ng Tokhang kahapon sa Barangay San Joaquin sa Pasig City kung saan kasama ni Biay ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, religious leaders at mga mamamahayag.

Bawat lungsod ay magkakaroon ng kani-kanilang tokhangers upang mas matiyak na magiging matagumpay ang operasyon.

“They are the ones who know the identities of the drug pushers and users so they would be in the forefront of our fight against illegal drugs,” sabi ni Biay.

Samantala, inamin ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa na hindi niya matitiyak na walang daranak na dugo sa pagbabalik ng Oplan Tokhang.

Sinabi ni dela Rosa na wala sa tamang pag-iisip ang mga drug suspect.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with