^

Bansa

Rappler imbestigahan!

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Rappler imbestigahan!

Sa isang pahinang Department Order No. 017 na may petsang January 17, 2018, inatasan ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI para magsagawa ng case build-up at kung may sapat na ebidensya ay maghain ng kaukulang kaso laban sa mga nakagawa ng pag­labag. FIle

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Rappler upang alamin ang posibleng kriminal na pananagutan ng online news site sa kasong kanilang kinakaharap. 

Sa isang pahinang Department Order No. 017 na may petsang January 17, 2018, inatasan ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI para magsagawa ng case build-up at kung may sapat na ebidensya ay maghain ng kaukulang kaso laban sa mga nakagawa ng pag­labag.

Pinagsusumite rin ng kalihim ang NBI ng ulat sa kanyang tanggapan kaugnay ng ginagawa nitong imbestigasyon.

Ang pagsisiyasat ay ikinasa matapos na bawian ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Rappler ng certificate of incorporation dahil sa pagtanggap nito ng pondo mula sa Omidyar Network, isang investment firm na itinayo ng eBay founder na si Pierre Omidyar at may tanggapan sa Estados Unidos, India, South Africa, United Kingdom at Singapore.

Sa ilalim kasi ng 1987 Constitution, ang mass media ay kinakailangang 100-percent o buong pagmamay-ari at pinanga­ngasiwaan ng mga Pilipino.

DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ)

RAPPLER

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with