^

Bansa

BBL ipapasa sa Marso

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
BBL ipapasa sa Marso

Sinabi ni Zubiri na hiniling na rin niya kay Pangulong Duterte na sertipikahang “urgent” ang panukala upang mas mapabilis ang pagpasa nito.  File

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Senator Juan Miguel Zubiri na aarangkada ang pagdinig ng Senado sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) at gagawin ang lahat upang maipasa ito ng Senado sa Marso.

Sinabi ni Zubiri na hiniling na rin niya kay Pangulong Duterte na sertipikahang “urgent” ang panukala upang mas mapabilis ang pagpasa nito.

Nakatakdang magsagawa ng marathon hearings ang sub-committee on BBL na pinamumunuan ni Zubiri sa Cotabato City sa Enero 25 at sa Marawi City sa Enero 26.

Kinumpirma rin ni Zubiri na tinawagan siya ni Pa­ngulong Duterte noong Lunes at pinalitan na niya ang kanyang naunang panukala ng inaprubahang bersiyon ng Bangsamoro Transition Commission (BCT).

Sinabi pa ni Zubiri na nagdadalawang isip umano ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makisali sa talakayan dahil hindi ang bersiyon ng BCT ang nakahain sa Senado kaya pinalitan niya ang panukala.

BANGSAMORO BASIC LAW (BBL)

SENATOR JUAN MIGUEL ZUBIRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with