^

Bansa

‘Passport on Wheels’ iikot sa MM, probinsya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Passport on Wheels’ iikot sa MM, probinsya

Isinagawa ang programa sa Las Piñas City na dinaluhan ni DFA Secretary Allan Peter Cayetano na nagsabing layon nito na maserbisyuhan ang mga mag-aaplay at magpapa-renew ng kanilang mga pasaporte sa mga komunidad. File

MANILA, Philippines - Kasabay ng kontrobersya sa ‘passport application’, inilunsad kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Villar Sipag Foundation ang programang ‘Passport on Wheels’ na lilibot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga probinsya.

Isinagawa ang programa sa Las Piñas City na dinaluhan ni DFA Secretary Allan Peter Cayetano na nagsabing layon nito na maserbisyuhan ang mga mag-aaplay at magpapa-renew ng kanilang mga pasaporte sa mga komunidad.

Apat na ‘Passport on Wheels van’ ang iikot sa iba’t -ibang lugar na may kakayahan umano na makakuha ng mga datos ng mga aplikante tulad ng sa kanilang main branch at makapag-proseso ng nasa 2,000 aplikasyon kada araw.

Isasalang sa apat hanggang anim na linggo na pagsusuri ang ‘Passport on Wheels’ upang makita kung epektibo ito o may mga pagkukulang na agad nilang sosolusyunan.

Humingi naman ng paumahin si Cayetano sa pagkakaroon ng delay sa mga aplikasyon ng pasaporte at sinabing ginagawa nila ngayon ang lahat ng paraan para mapabilis at matanggal ang kanilang mga ‘backlogs’.

Sinabi pa niya na umabot sa 600,000 ang passport application noong 2017 na 30% iniakyat kumpara sa mga nagdaang taon.

Sa kasalukuyan, higit sa 9,000 aplikasyon ang kaya nilang iproseso na madadagdagan pa ng 2,000 buhat sa Passport on Wheels.

DFA

PASSPORT ON WHEELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with