^

Bansa

Mayon itinaas sa alert level 2

Jorge Hallare, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayon itinaas sa alert level 2

Patuloy ang pagbaba ng mga bato o rock fall sa lava dome ng Bulkang Mayon habang umabot ng isang oras ang pagbuga ng abo, batay sa pinakahuling ulat ng Phivolcs kahapon. Ang “pressurized pocket” ang sinasabing naging dahilan ng pagputok ng Mayon bukod pa sa naitalang mga paglindol at pag-ulan.  
 

‘Notice To Airman’ ipinalabas ng CAAP

MANILA, Philippines — Dahil sa magkakasunod na pagsabog kahapon ng Mt. Mayon na sinundan pa ng patuloy na pagbagsak ng abo sa mga bayan ng 3rd Distirct sa Legazpi City, Albay, iniakyat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert sa bayang ito sa level 2.

Matapos ang unang pagputok dakong alas-4:21 ng hapon kamakalawa, muling nagkaroon ng phreatic explosion ang bulkan dakong alas-8:49 ng umaga na sinundan muli ng pagputok ng alas-10:50 ng umaga kahapon kung saan bumagsak ang toneladang abo sa mga barangay na nasa loob ng danger zone.

Direktang binagsakan ng abo ay ang mga barangay ng Anoling, Sua, Quirangay, Tumpa, Salugan, Caba­ngan at Ilawod sa bayan ng Camalig. At mga barangay ng Tandarora, Maninila at Travesia sa Guinobatan.

Umabot na sa inisyal na 2,287 katao o 665 pamilya ang lumikas sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan.

Nagbigay na rin ng kautusan para sa evacuation si Mayor Krisel Lagman-Luistro ng Tabaco City lalo na sa Brgy. Buang habang inalerto naman ng mga alkalde ng Daraga, Sto.Domingo, Ligao City at Legazpi City ang kanilang mga residente.

Kaugnay nito, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagpalabas naman ng ‘notice to airman’ o NOTAM upang iwasan ang pagpalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bisinidad nito.

Sa inilabas na NOTAM ng CAAP, epektibo na ito ng 24 oras at posible pang humaba depende sa magiging sitwasyon ng bulkan.

Unang nagpalabas ng NOTAM ang CAAP dakong alas-9:12 kamakalawa ng gabi.  Ngunit dahil sa patuloy na pagbuga ng abo ng bulkan, kinailangan ng CAAP na palawigin ito upang maiwasan ang disgrasya.

MT. MAYON

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY (PHIVOLCS)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with