Lacson maghahain ng sariling Con-Ass resolusion
MANILA, Philippines — Maghahain ng resolusyon si Senator Panfilo “Ping” Lacson na naglalayong buuin ang Senado bilang Constituent assembly upang isulong ang pag-amiyenda sa 1987 Constitution hiwalay sa House of Representatives.
Sinabi ni Lacson na kung makikihalo ang Senado sa House of Representatives sa pag-amiyenda ng Konstitusyon ay mawawala sila ng boses dahil 24 lamang ang mga senador at mawawalan ng saysay ang kanilang boses.
Kung maa-adopt aniya ang resolusyon sa susunod na linggo, magiging constituent assembly ang Senado at puwede na nilang simulan ang talakayan sa aamiyendahang nga probisyon ng Konstitusyon.
Naniniwala si Lacson na dapat magkaroon ng pantay na kapangyarihan ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa gagawing pag-amiyenda ng Konstitusyon.
Kung lulusot ang resolusyon, nais ni Lacson nais nito na kapag nagkaroon na ng kanya-kanyang panukala ang Senado at Kamara tungkol sa mga babaguhin probisyon ay saka magpulong ang dalawang kapulugan para i-reconcile ang mga hindi napagkasunduang probisyon.
Samantala, umaasa ang Malacañang na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 2022 ay magiging federal form na ang gobyerno ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na prayoridad sa ngayon ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa sistema ng gobyerno mula sa kasalukuyang porma.
Ayon kay Sec. Roque, bagama’t hindi pa nakakausad ang unang hakbang para rito, sa tamang panahon ay mapasisimulan ang tungkol dito.
Naniniwala pa si Sec. Roque na pwede namang isabay sa gagawing 2019 elections ang plebesito para maamyendahan ang Saligang Batas.
Kaugnay nito, muling iginiit ni Roque na wala sa plano ni Pangulong Duterte na magtagal pa sa poder o magkaroon ng term extension kaya walang dapat ikabahala rito ang publiko.
- Latest