^

Bansa

Carpio tumangging humarap sa impeachment vs Sereno

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Carpio tumangging humarap sa impeachment vs Sereno

Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, natanggap na ng komite ang liham ni Carpio kung saan pinaliwanag niya kung bakit hindi siya haharap  sa impeachment hearing. File

Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tumanggi si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na humarap sa impeachment hearing ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, natanggap na ng komite ang liham ni Carpio kung saan pinaliwanag niya kung bakit hindi siya haharap  sa impeachment hearing.

Unang dahilan ni Carpio ay ang kawalan niya ng personal knowledge sa mga isyu kay Sereno na itatanong ng mga kongresista dito.

Partikular umano ang usapin sa pagkakaantala ng resolusyon sa hiling ni Justice  Secretary Vitaliano Aguirre na ilipat sa labas ng Mindanao ang kaso ng Maute. Gayundin sa usapin ng pagbuhay ni Sereno sa Court Adminstration Office sa Region 7.

Sinabi ni Umali na ipapaubaya niya sa buong Justice Committee ang desisyon kung tatanggapin ang pagtanggi ni Carpio na humarap sa impeachment hearing.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

HOUSE JUSTICE COMMITTEE CHAIRMAN REYNALDO UMALI

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with