^

Bansa

TRAIN inakyat na sa Korte Suprema

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
TRAIN inakyat na sa Korte Suprema

Hawak ang kopya ng kanilang petisyon laban sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ang mga miyembro ng Makabayan bloc na inihain nila sa Mataas na Hukuman. Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghain sa Korte Suprema ang mga kongresista mula sa Makabayan bloc ng petisyon para hili­ngin ang pagpapatigil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sa kanilang petition for certiorari, iginiit sa Supreme Court nina ACT Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at ibasura ang TRAIN law.

Ayon sa Makabayan bloc, nilabag ng Kongreso ang konstitusyon at ang sarili nitong rules nang pagtibayin ang Bica­meral Conference Committee Report sa TRAIN bill. Ito ay dahil wala anilang quorum nang pagtibayin ang bill.

Iginiit ng grupo na ang TRAIN Law ay hindi magbibigay ng benepisyo sa manggagawa o sa adjustment sa Income tax dahil tataas ang presyo ng mga bilihin.

ANAKPAWIS REP. ARIEL CASILAO

BAYAN MUNA REP. CARLOS ZARATE

TRAIN LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with