Total ban sa paputok at pailaw itinutulak ni Digong
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Pangulong Duterte ang total ban sa firecrackers at pyrotechnics.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na magpasa ng batas ang Kongreso para sa total ban ng mga paputok at pailaw sa buong bansa.
“President Duterte to push for firecracker and pyrotechnics ban through a law. President Duterte wants Congress to enact a law that would ban all firecrackers and pyrotechnics ‘at the soonest possible time’,” sabi ni Roque.
Nais ng Pangulo na ang Kongreso ang gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng isang batas para magsagawa ito ng pagdinig at makonsulta rin ang stakeholders mula sa firecracker at pyrotechnics industry na tinatayang nasa 75,000 ang bilang ng maapektuhan nito.
“President Duterte wants Congress to begin hearings on the proposed firecracker ban so stakeholders will be consulted. Government will look for alternative livelihood for those who will lose jobs due to firecracker ban,” giit pa ni Sec. Roque.
Magugunita na nagpalabas ng Executive Order No. 28 si Pangulong Duterte noong Hunyo 2017 para sa pag-regulate ng paggamit ng firecrackers at pyrotechnics.
Sa ilalim ng EO 28 ay ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng mga malalakas na paputok sa buong bansa na naging dahilan upang bumaba ang bilang ng mga nagpaputok noong New Year.
Mas hinikayat ng kautusang ito ng Pangulo ang local government na maglagay na lamang ng fireworks display kaysa magpaputok sa kani-kanilang mga tahanan ang mamamayan upang maiwasan na rin ang disgrasya.
- Latest