^

Bansa

Pagsibak sa Marina chief pinasalamatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagsibak sa Marina chief pinasalamatan
Sinasabing nasa ibang bansa si Marcial Amaro III noong lumubog sa karagatan ng Tingloy, Batangas ang Roro Vessel noong Dis­yembre 26, 2016 at kasagsagan ng bagyong Nina.
File

‘Hustisya’ nakamit ng 18 tripulante

MANILA, Philippines — Tila nakamit na ang ‘hustisya’ ng pamilya ng 18 tripulanteng kadete ng lumubog na MV Starlight Atlantic matapos na sibakin ni Pangulong Duterte si Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Marcial Amaro III.

Ayon kay Nelson Ra­­mirez, presidente ng United Filipino Seaferares (UFS), nagpasalamat sa Pangulo ang pamilya ng 18 nawawalang tripulante matapos nitong sibakin si Amaro.

Sinasabing nasa ibang bansa si Amaro noong lumubog sa karagatan ng Tingloy, Batangas ang Roro Vessel noong Dis­yembre 26, 2016 at kasagsagan ng bagyong Nina.

Iginiit ng pamilya ng mga biktima na kung nasa bansa lamang si Amaro ay agad sana siyang makapagbibigay ng kautusan sa Philippine Coast Guard (PCG) na pigilin ang paglalayag ng MV Starlight at hindi sana naganap ang malagim na trahedya sa karagatan.

“Thank you Mr. President (Duterte). On behalf of the UFS with its 52,600 members, we recognize you for firing an inutile top government official who had been lavishly spending the people’s money for his 24 travels around the globe in a span of more than 1 year. The people in the maritime industry believe that you made the right decision in firing him for being an absentee administrator. You are true to your words that you do not hesitate to fire any of your men, even if he is a very close friend or even a member of your family. You made a definite move again, Mr. President.” ayon kay Ramirez.

Noong Huwebes ay pinatalsik ng Pangulo si Amaro sa kanyang puwesto bilang administrator ng Marina dahil sa umano’y 24 junkets nito o biyahe sa ibang bansa.

Sa rekord ng Department of Transportation (DOTr), 18 sa biyahe ni Amaro ay naganap noong nakalipas na taon at anim naman noong 2016.

Nais din ni Ramirez na imbestigahan ng Ombudsman o ng Senado ang umano’y ‘jet setting’ at ‘globe-trotting’ ni Amaro na unang ibinunyag ng Alliance of Marina Emplo­yees dahil pera umano ng taong bayan ang ginastos nito.

MARCIAL AMARO III

MARINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with