^

Bansa

Kalashnikov AK-47 rifles mula Russia, ipinamahagi sa Scout Rangers

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Kalashnikov AK-47 rifles mula Russia, ipinamahagi sa Scout Rangers
Personal na dinala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan ang may 5,000 mga Kalashnikov AK-47 Rifles para sa mga kawal na kasapi ng First Scout Ranger Regiment ng Philippine Army. Pinanguhanan ni Coronel Rene Glen Paje ang pagtanggap sa nasabing mga armas.
Larawang padala ng DND

MANILA, Philippines — Binuksan ng mga kasa-pi ng First Scout Ranger Regiment o FSSR ng Philippine Army ang Bagong Taon na may mga bagong armas na regalo ng Russia.

Ito’y matapos personal na idineliber ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga Kalashnikov AK-47 Rifles o klase ng baril na mahahaba sa Camp Tecson sa bayan ng San Miguel.

Noong Oktubre 2017 natanggap ng Pilipinas ang mga armas na kaloob ng Russia.

Kabilang ito sa mga resulta ng matagumpay na official visit ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Mayo 2017.

Pawang mga bagung bago ang may 5000 Kalash­nikov AK-47 Rifles na may katerno pang 5000 ring piraso ng steel helmets. May pasunod pa itong 20 Ural-4320 military trucks.

Ayon pa sa ipinalabas na pahayag ng Department of National Defense, mayroon pang isang milyong kaha o cartridges ng mga bala at pampasabog ang ibinigay din ng Russia.

Napili ng administrasyon na sa FSSR ipagkaloob ang mga regalong armas ng Russia dahil sila ang Special Operations Command unit na eksperto at may sapat na kasanayan upang tugisin ang kalaban sa gitna ng masusukal na gubat, umatake sa mga kalabang hindi nakikita, malapitang engkwentro, labanan sa ka­lungsuran at malakas na humaharap sa mga pagsa-botahe.

DELFIN LORENZANA

FIRST SCOUT RANGER

KALASHNIKOV AK-47

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with