P17 B pinsala sa Marawi siege
MANILA, Philippines — Umabot sa P17 bilyon ang naging pinsala sa property at opportunity lost sa Marawi siege, ayon kay Task Force Bangon Marawi chief Eduardo del Rosario.
Sinabi ni del Rosario, P11 bilyon na halaga ng property ang nawasak habang P6.6 bilyon namang halaga ng economic opportunities ang nawala dahil sa nangyaring kaguluhan sa lungsod ng lusubin ng Maute-ISIS group ang Islamic City noong Mayo 2017 na nagbunsod kay Pangulong Duterte upang ideklara ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay PCOO Asec. Ana Marie Banaag, aabot sa P49.8 bilyon ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Winika pa ni del Rosario, may 5 developers ang nagpahayag ng interes para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Pinayuhan din ang mga residente na huwag munang pasukin ang ground zero dahil marami pang bomba na hindi sumabog ang hinahanap pa din ng mga awtoridad.
- Latest