150 pamilya nasunugan sa Maynila
MANILA, Philippines — Nawalan ng tahanan ang nasa 150 pamilya na residente ng 50 kabahayan na natupok sa naganap na sunog sa Brgy. 401 sa Galicia St., Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.
Mabilis na umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula alas -11:50 ng umaga at naideklarang fire under control ala -1:30 ng hapon.
Sinabi ni Manila Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Inspector Crossib Cante na karamihan sa mga kabahayan ay yari sa light materials kaya mabilis ang paggapang ng apoy.
Tinatayang nasa P100-libo ang pinsala ng sunog habang patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan nito. Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang bumbero.
- Latest