^

Bansa

Pimentel kinontra ni Alvarez sa term extension kay Digong

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Pimentel kinontra ni Alvarez sa term extension kay Digong

Binuweltahan din ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang oposisyon dahil sa umano’y pagnanais na maghasik ng kalituhan kaugnay sa no-election scenario sa 2019 na ang layunin lamang ay magbigay daan sa transition para sa federal form of government. Pantaleon Alvarez/Released, File

MANILA, Philippines — Kinontra ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pahayag ni Senate President Koko Pimentel sa posibleng term extension ni Pangulong Duterte.

Binuweltahan din ni Alvarez ang oposisyon dahil sa umano’y pagnanais na maghasik ng kalituhan kaugnay sa no-election scenario sa 2019 na ang layunin lamang ay magbigay daan sa transition para sa federal form of government.

Giit ni Alvarez, sinabi na noon ng Pangulo na bababa agad siya sa kanyang pwesto sa sandaling matapos ang kanyang termino.

“Malinaw po ang sinabi ng Pangulo na yung kanyang termino mag-e-end on or before (2022) kasi kung kinakailangan niyang mag-resign bago mag-2022 para ang ating bagong saligang sistema ng gobyerno ay kaya niyang gawin yun,” ayon pa kay Alvarez.

Naniniwala naman siya na paninindigan ng Pangulo ang kanyang salita dahil personal niyang kilala ito at matagal na rin pagod ang Pangulo at kung pupuwede nga lang umano ay bukas tapusin na ang kanyang termino.

Nilinaw naman ni Alvarez na ang sinasabi niyang no-el scenario ay concern ang senatorial elections sa 2019 na orihinal na itinakda para sa senatorial elections at ang mga mananalo dito ay magtatapos ng 2025.

Iginiit pa ng Speaker na kapag nagkaroon ng bagong konstitusyon para sa federal form of government at naratipikahan sa pamamagitan ng isang plebisito na gagawin kasabay ng barangay elections sa Mayo ay mapapalitan nito ang buong istraktura ng kasalukuyang gobyerno na magkakaroon naman ng Legal complications sa mga incumbent senators na magtatapos ang termino sa 2025.

Kaya para ma­ging praktikal umano ay maaaring ikansela na lamang ang 2019 senatorial elections at ang mga senador na matatapos ang termino sa susunod na taon ay maaaring payagang manatili sa kanilang pwesto sa pamamagitan ng hold over capacity kapag nagkaroon ng transition period sa federal form of government o hanggang 2022.

KOKO PIMENTEL

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with