^

Bansa

‘Implementing rules’ ng TRAIN ilalabas ng BIR

Angie del Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapalabas ng implementing rules ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa ipatutupad na  Republic Act (RA) 10963, o ang “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na epektibo January 1, 2018.

Ang RA 10963 ay nilagdaan bilang batas ni Pa­ngulong Rodrigo  Duterte pero may ilang linya nito ang na veto ng chief executive. Ang tungkol sa batas ay maaaring makita ng publiko sa www.bir.gov.ph at www.officialgazette.gov.ph.

Ang TRAIN Law ay na-publish sa mga pahayagan noong  December 28, 2017 at magiging epektibo January 1, 2018.

Sa pagpapatupad ng naturang batas simula nga­yong taon, ang BIR ay magpapalabas din ng ibat ibang Revenue Regulations (RR) tungkol sa  Income Tax, Withholding Tax, Value Added Tax, Excise Tax on Petroleum, Excise Tax on Automobiles, Excise Tax on Mineral Pro­ducts, Excise Tax on Tobacco, Excise Tax on Sweetened Beverage, Cosmetic Procedures, Estate at Donor’s Tax, Percentage Tax, at Documentary Stamp Tax para sa kapakanan ng mamamayan.

Kasama rito ang ipalalabas na  Revenue Memorandum Order (RMO) ng BIR tungkol sa  VAT Refund System.Ang ahensiya ay magtatalaga rin ng sistema tungkol sa eSales at eReporting.

Magsasagawa rin ang BIR ng public consultations sa January 11 at 12, 2018 upang tulungan ang mga  drafters hinggil sa issuances may kinalaman sa TRAIN Act at  internal briefings  na isasagawa ng BIR sa January 24 hanggang 26, 2018 para dito. 

Muli, hiniling ng BIR sa lahat ng taxpayers at iba pa na basahin at unawaing mabuti ang batas at makiisa sa mga discussions sa mga gagawing  public consultations  ng BIR para malaman ang kanilang komento, saloobin at mga rekomendasyon para sa maayos na pagpapatupad sa Train Law.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with