LPG may rollback
MANILA, Philippines — Nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang cooking gas o LPG ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso kahapon ng Petron, alas-12:01 ng madaling araw ngayong Biyernes (Dec. 1), nagpatupad sila ng rollback para sa Gasul at Fiesta Gas na nasa P0.40 kada kilo at ang Auto LPG naman ay nasa P0.20 kada kilo.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ng rollback ang iba pang oil companies para sa LPG gas na may kahalintulad na halaga.
Ang rollback sa preyo ng LPG ay bunsod nang paggalaw nito ng international contract price sa world market.
Kung kaya’t isa itong magandang balita sa mga maybahay na gumagamit ng LPG cooking gas.
- Latest