Duterte na-‘offend’ kay Dionisio
MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Pangulong Duterte na sumama ang kanyang loob sa mga binitiwang salita ni Dangerous Drug Board (DDB) chairman Dionisio Santiago ukol sa mega rehab center sa Nueva Ecija kaya hiniling niya ang pagbibitiw nito.
“I was offended by the statement of ex-DDB chair Dionisio Santiago on illegal drugs. He could have asked me for an audience and tell me all about it,” sabi ng Pangulo sa media interview kahapon sa NAIA bago ito magtungo sa Vietnam upang dumalo sa APEC Summit.
“You do not go open to the press and start to blabber. Dapat kinausap niya ako,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Magugunita na inilarawan ni Santiago na isang ‘pagkakamali’ ang pagtatayo ng mega rehab facility sa Nueva Ecija dahil kakaunti lamang ang naging pasyente nito na drug dependents.
Ayon kay Santiago, ipinabatid sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinagbibitiw siya ni Pangulong Duterte matapos ang naging komento nito ukol sa mega drug rehab.
- Latest