Australia may travel warning vs terror threat
MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang pamahalaang Australia sa kanilang mamamayan na umiwas na tumungo sa Pilipinas dahil sa matinding banta ng terorismo.
Sa inilabas na pinakahuling travel advisory ng Australia, binalaan nito ang kanilang citizens na huwag munang bumiyahe patungo sa Pilipinas dahil sa “high threat” ng terrorist attack kabilang na ang capital nito sa Maynila.
“There is a high threat of terrorist attack in the Philippines, including Manila,” ayon sa latest advisory ng Australia.
Pinaalalahanan din ng Australia ang kanilang mamamayan na nasa Pilipinas na panatilihin ang kanilang ibayong pag-iingat at laging umalerto.
“Exercise a high degree of caution in the Philippines overall. Higher levels apply in some parts of the country,” anang advisory.
Binalaan pa ang mga Australian na huwag bibiyahe sa central, eastern at western Mindanao dahil na rin sa mataas na banta ng kidnapping, terrorist attacks at bakbakan sa pagitan ng mga armadong grupo.
Sa kabila ng pagdedeklara ng militar ng Pilipinas na natapos na ang giyera sa Marawi City, nagpaalala ang Australia sa kanilang mamamayan na nananatiling may mga sagupaan sa naturang lungsod.
“There are ongoing clashes between government forces and militants in Marawi City, Mindanao. If you are in Marawi City, exercise heightened vigilance and review your personal security plans,” giit ng Australian gov’t.
- Latest