^

Bansa

Japan nangako ng suporta sa Marawi rehab

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Japan nangako ng suporta sa Marawi rehab

Dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tokyo, Japan dakong alas-2:45 ng madaling-araw kahapon para sa kanyang 2-araw na opis­yal na pagbisita at mainit siyang sinalubong nina Japan Minister of Foreign Affairs Kazuyuki Nakane, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, Phil Ambassador to Japan Jose Laurel V at Deputy Chief of Mission Eduardo Menez. AP Photo/Eugene Hoshiko, Pool, File

MANILA, Philippines — Nangako kahapon si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na susuporta sa Pilipinas sa gagawing rehabilitasyon sa Marawi City na nawasak dahil sa matinding bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute/ISIS inspired terrorist group.

Dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tokyo, Japan dakong alas-2:45 ng madaling-araw kahapon para sa kanyang 2-araw na opis­yal na pagbisita at mainit siyang sinalubong nina Japan Minister of Foreign Affairs Kazuyuki Nakane, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, Phil Ambassador to Japan Jose Laurel V at Deputy Chief of Mission Eduardo Menez.

Kasama ng Pangulo ang kanyang partner na si Cielito “Honeylet” Avancena, anak na si Veronica at mga miyembro ng kanyang Gabinete kabilang si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagbisita sa Japan.

Nagkita at nagpulong kahapon sina Duterte at Abe sa opisyal na residence ng nasabing prime minister.

Sa inilabas na joint statement matapos ang pulong ng dalawang lider, sinabi ni Abe na handa ang Japan na tumulong sa Pilipinas upang maiba­ngon muli ang Marawi City   at sa iba pang proyektong imprastraktura ng bansa.

“The Government of Japan recognizes that rehabilitation and reconstruction of the City of Marawi and is extremely important,” ayon sa statement.

Nag-alok din ang Japan ng tulong para sa iba pang proyektong imprastraktura ng bansa kabilang na ang posibilidad na pagpapa-utang ng 600 bilyong yen upang mapondohan ang gaga­wing subway sa Maynila.

Kabilang din sa kani­lang tinalakay ang mga karaniwang mga isyu ka­bilang na ang seguridad at depensa ng magkabilang panig kasama na ang usapin sa Korean Penin­sula.

Nabatid na si Duterte ang kauna-unahang lider o opisyal ng isang bansa na bumisita kay Abe matapos ang matagumpay na pagkakapanalo ng huli sa snap election sa Japan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with