^

Bansa

DepEd order na nagbabawas sa sahod ng mga guro, pinasisiyasat

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
DepEd order na nagbabawas sa sahod ng mga guro, pinasisiyasat

Sa House Resolution No.1342 na inihain nina Tinio at Castro, layon nito na magkaroon ng congressional investigation kaugnay sa legalidad  ng DepEd Order (DO) No. 38 na awtomatikong nagbabawas sa net take home pay (NTHP) ng halos kalahati ng teaching personnel at iba pang empleyado ng DepEd ng halagang bababa sa P4,000 mula Oktubre. File

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nina Act Teachers Partylist Reps. France Castro at Antonio Tinio ang kautusang ipinalabas ng Department of Education (DepEd) na nagbabawas sa sahod ng mga guro.

Sa House Resolution No.1342 na inihain nina Tinio at Castro, layon nito na magkaroon ng congressional investigation kaugnay sa legalidad  ng DepEd Order (DO) No. 38 na awtomatikong nagbabawas sa net take home pay (NTHP) ng halos kalahati ng teaching personnel at iba pang empleyado ng DepEd ng halagang bababa sa P4,000 mula Oktubre .

Hinikayat ng mga kongresista ang DepEd na kaagad ibalik ang arbitrary deductions sa suweldo ng mga naapektuhang guro at empleyado.

Dahil umano sa serye ng mga protesta ng mga public school teachers, kaya napilitan si Sec. Briones na sumunod sa panawagan ng mga guro at mag-isyu ng DO No. 55 na pinapanatili ang 4,000 threshold at epektibong binabawi ang DO NO. 38. Subalit sa kabila umano ng pagpapalabas ng DO No. 66 ay kailangan pa ring imbestigahan ang hakbang ng DepEd upang mapanagot sila dahil sa arbitrary issuance ng DO No. 38  na nagdulot ng pinsala sa libong department personnel at kanilang pamilya.

Bukod dito, inilagay umano ni Briones sa alanganin ang buhay ng kanyang mga  tauhan  at kanilang pamilya dahil sa kagutuman dulot ng kakarampot na suweldo.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with