Mga babaeng sundalo excited na sa HK trip
MANILA, Philippines — Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na excited na ang mga sundalo na makapagbakasyon kasama ang kanilang pamilya sa Hong Kong gaya ng pangako ni Pangulong Duterte sa mga kakabaihang sundalo na sumabak sa Marawi siege.
Sinabi ni AFP spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour briefing sa Malacañang, ang unang aalis na tropa sa Marawi ay ang mga miyembro ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na una ring dumating at nakipagbakbakan sa mga teroristang Maute-ISIS group.
Ayon kay Gen. Padilla, excited na ang tropa partikular ang mga sundalong kababaihan upang ma-enjoy nila kasama ang kanilang pamilya ang pangakong HK trip ng Pangulo sa kanila.
Magugunita na pinangakuan ng HK trip ni Pangulong Duterte ang mga sundalong kababaihan sa sandaling matapos ang Marawi siege.
Ang airfare ay sasagutin ng Cebu Pacific habang ang pocket money at accomodations ay magmumula kay Pangulong Duterte.
Iba naman ang pangako ng Pangulo sa mga lalaking sundalo.
- Latest