^

Bansa

Bagyong “Paolo”, nagbabanta sa Baler

Angie dela Cruz at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na nagbabanta ang severe tropical storm “Paolo” sa Baler.

Sa ipinalabas na wea­ther update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Servi­ces (Pagasa) ng alas-11 ng uma­ga kahapon, ang sentro ni Paolo ay namataan sa layong 765 kilometro ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.

 Si Paolo ay kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras.

 Bunga nito, si Paolo ay magdadala ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na posibleng lumakas pa sa buong Bicol region, Visayas at Mindanao. Patuloy na mananatili sa bansa ang bagyo na magdudulot ng mga pag-uulan sa Baler Aurora, Cagayan, Batanes area at inaasahang lalabas ito ng Pilipinas sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Samantala, isa ­pa­ng low pressure area (LPA) na nasa layong 395 kilo­metro ng silangan ng Coron, Palawan ang patuloy na sinusubaybayan ng Pagasa. Ito ay magdadala ng kalat-kalat na katamtamang pag-ulan sa buong lalawigan. Samantala, inalerto ng National Disas­ter Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) ang mga opisyal at tauhan nito sa mga rehiyon upang paghandaan ang pagtama ng bagyong Paolo at LPA sa mga maapektuhang lugar sa bansa.

Nagpatawag na ng emergency meeting ang NDRRMC at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para pag­handaan ang epekto ng kalamidad. Ang Emergency Response Meeting ay pinamunuan ni Office of Civil Defense (OCD) Ope­rations Service Director Rodrigo Diapana.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with