^

Bansa

Danley nasa US na

Butch Quejada at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Danley nasa US na

Sinabi ni Bureau of Immigration Ports Operation Division chief Red Marinas, minonitor lang nila si Danley, 62, sa pagsakay ng eroplano hanggang sa lumipad ito patungong Los Angeles dahil wala naman itong kasong nagawa sa bansa para pigilan siya sa pag-alis. AFP/Mark Ralston, File

MANILA, Philippines — Nakarating na sa Los Angeles mula sa Pilipinas ang Fil-Aussie na si Marilou Danley na sinasabing nobya ni Stephen Paddock, ang American billionaire na pumatay ng may 59 katao sa Las Vegas Strip sa kasagsagan ng music festival concert sa harap ng Mandalay Bay Hotel and Casino sa Nevada.

Sinabi ni Bureau of Immigration Ports Operation Division chief Red Marinas, minonitor lang nila si Danley, 62, sa pagsakay ng eroplano hanggang sa lumipad ito patungong Los Angeles dahil wala naman itong kasong nagawa sa bansa para pigilan siya sa pag-alis.

Nabatid na umalis sa Manila si Danley ng walang eskort nitong Martes ng gabi para sa non-stop flight lulan ng Philippine Airlines flight PR 102 at patungong Los Angeles International Airport.

Ang pag-uwi ni Danley sa US ay may koordinasyon umano ng FBI authorities at para klaruhin ang kanyang pangalan matapos ma­ging “person of interest”.

Sinisiyasat na rin ng FBI agents ang pagpapadala ng $100,000 sa isang account sa Pilipinas sa pamamagitan ng wire transfer na lumalabas na para kay Danley.

Duma­ting si Danley sa Manila noong Setyembre 15, dalawang linggo bago ang mass shooting at saka bumiyahe patu­ngong Hong Kong noong Setyembre 22 at bumalik uli sa Manila noong Set­yembre 25.

Samantala si Paddock ay dalawang beses ng nakarating ng Pilipinas at 12 araw itong tumagal dito simula 2013 at 2014.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with