^

Bansa

CJ Sereno hindi magbibitiw, pero ‘tatahimik’

Gemma Garcia at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
CJ Sereno hindi magbibitiw,  pero ‘tatahimik’

Hindi magbibitiw si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kabila ng hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sila kasama si Ombudsman Conchita Carpio-Morales. SC, File

MANILA, Philippines — Hindi magbibitiw si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kabila ng hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sila kasama si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon kay Atty. Jose Deinla, isa sa tagapagsalita ni Sereno na walang intensyon na umalis  sa pwesto si Sereno dahil wala siyang ginawang labag sa batas , illegal o impeachable. Giit ni Deinla, nais ng punong mahistrado na maipagpatuloy ang kanyang tungkulin.

Kahapon ay naghain ang kampo ni Sereno ng rejoinder kung saan sinopla niya ang sagot ni Atty. Larry Gadon sa kanilang reply sa impeachment complaint. Nakasaad sa rejoinder na fishing expedition ang gustong mangyari ni Gadon sa impeachment proceeding ng Kamara dahil gagamitin niya ang proseso para maghanap ng ebidensya  sa mga nasabing alegasyon.

Sinabi naman ni Atty. Justin Mendoza na umaasa silang pagbibigyan pa rin ng Kamara ang kanilang hiling na makompronta ang mga saksi laban sa Chief Justice.

Kasabay nito binigyang diin ni Atty. Carlo Cruz, spokesperson ni Sereno na mananahimik na ang punong mahistrado, upang maiwasang sumiklab ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay Cruz,  nagpasya ang kampo ni Sereno na ‘tumahimik’  na lang sa hamon ng una na sabay-sabay silang magbitiw sa pwesto,

Aniya, hindi magko-komento ng anuman ang punong mahis­trado sa hamon ng Pangulo at sa halip ay pagtutuunan nila ng pansin ang impeachment complaint na isinampa laban dito sa committee on justice ng Kongreso.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with