^

Bansa

Suspek sa UST hazing nakalabas ng bansa

Pilipino Star Ngayon
Suspek sa UST hazing nakalabas ng bansa

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Huwebes na nakalabas na ng bansa ang isa sa mga suspek sa pagkasawi ni Horacio Castillo III sa isang fraternity hazing rites.

Sinabi ni BI Ports Division Chief Marc Red Mariñas na nagtungo ng Taipei si Ralph Cabales Trangia nitong Setyembre 19 ganap na 1:53 ng umaga. Sumakay si Trangia ng EVA Air flight mula sa Ninoy Aquino Internatinal Airport Terminal 1.

Isa si Trangia sa 16 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na iniimbestigahan ng mga awtoridad kasunod ng pagkamatay ng University of Santo Tomas first year law student na si Castillo.

BASAHIN: Lookout order vs 16 fratmen, iniutos ng DOJ

Bukod kay Trangia, kabilang sa immigration watchlist sina:

  • Arvin R. Balag
  • Mhin Wei Chan
  • Marc Anthony Ventura
  • Axel Mundo Hipe
  • Oliver John Audrey Onofre
  • Joshua Joriel Macabali
  • Jason Adolfo Robiños
  • Ranie Rafael Santiago
  • Danielle Hans Mattew Rodrigo
  • Carl Mattew Villanueva
  • Aeron Salientes
  • Marcelino Bagtang
  • Zimon Padro
  • Jose Miguel Salamat
  • John Paul Solano

Si Solano ang nagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital matapos umano niyang makita ang bugbog saradong estudyante sa Tondo.

Nalaman naman ng mga awtoridad na nagsisinungaling si Solano matapos makumpirma sa barangay na wala namang katawan na iniwan sa kalsada nila.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with