^

Bansa

Fariñas sinopla ng Malacañang

Rudy Andal at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Fariñas  sinopla ng Malacañang

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, patakaran ni Pangulong Duterte na huwag bigyan ng special treatment ang mga opisyal ng gobyerno lalo na ang mga lalabag sa batas. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines — Sinopla kahapon ng Mala­cañang ang panukala ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na bigyan ng special treatment ang mga kongresista kapag nasasangkot sa traffic violations.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, patakaran ni Pangulong Duterte na huwag bigyan ng special treatment ang mga opisyal ng gobyerno lalo na ang mga lalabag sa batas.

Ayon kay Abella, dapat nga ay maging ehemplo ang mga opisyal ng gobyerno sa pagsunod sa batas at hindi sila pa ang mangunguna sa paglabag.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos hilingin ni Fariñas sa MMDA na magamit ng mga mambabatas ang kanilang parliamentary immunity sa traffic violations upang hindi sila maabala sa kanilang legislative work.

Inalmahan din sa Kamara nina Albay Rep. Edcel Lagman at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang pahayag ni Fariñas na bigyan ng immunity o exemption sa anumang traffic violations ang mga kongresista habang ang Kongreso ay nasa session.

Sabi ni Lagman, hindi lahat ng kongresista ay nagmamaneho ng kanilang sasakyan. Ang mga mambabatas ay may sariling drayber at ang immunity ay hindi extended para sa kanila o mga back-up nila.

Ayon naman kay Zarate, lahat ng mamamayan mayaman o mahirap, mambabatas o matataas na opisyal ay apektado sa malalang trapiko sa kalsada. Lahat dapat ay pantay-pantay sa batas at hindi dapat nabibigyan pa ng pabor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with