^

Bansa

Solon kay ERC Dir. Salazar: Resign o P1k 2018 budget?

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles kay Jose Vicente Salazar na magsakripisyo na sa pamamagitan ng pagbaba sa puwesto bilang chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC) at maisalba ang ahensiya mula sa P1,000 budget para sa 2018.

Sinabi ni Nograles na ang corruption issue ni dating ERC director Jose Francisco Villa laban kay Salazar ang nagbunsod para mawalan ng kredibilidad ang kanilang tanggapan.

Giit ng kongresista kung totoo man o hindi ang alegasyon ay dapat nang bumaba sa pwesto si Salazar upang hindi na mag-suffer pa ang buong institusyon dahil lamang sa kanya.

Paliwanag pa ni Nograles na ang desisyon ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ang ERC ng P1,000 budget ay dahil sa pagtanggi ni Salazar na magbitiw sa puwesto.

Kaya banta ni Nograles, habang si Salazar ang chairman ng ERC at puno ito ng kontrobersiya at korapsyon ay hindi magbabago ang desisyon ng Kamara na bigyan sila ng P1,000 budget para sa 2018.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with