Impeach Sereno gugulong na
MANILA, Philippines — Nakatakdang dinggin ng House justice committee sa susunod na linggo ang impeachment complaint laban kina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Comelec Chairman Andres Bautista.
Agad na itinakda ni committee chairman Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, isang araw matapos na matanggap ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Rules committee ang mga complaint para maisama sa order of business.
Sa Setyembre 13 itinakda ang unang pagdinig ng impeachment complaint laban kay Sereno at Bautista.
Unang sasalang sa pagdinig ang impeachment complaint na inihain nina Atty. Larry Gadon, Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution laban kay Sereno.
Gayunman, hindi pa raw obligado si Sereno na dumalo rito kundi ang mga complainants lamang ng naturang reklamong impeachment.
Ito ay dahil ang sufficiency in form and substance pa lamang aniya ang tutukuyin dito ng komite.
- Latest