^

Bansa

Testigo para kay Kian humarap

Malou Escudero at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Testigo para kay Kian humarap

Ang witness na si “MC” nang humarap kahapon sa Senado para isalaysay ang nangyaring pagpatay kay Kian delos Santos. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines —  Humarap kahapon sa pagdinig ng Senado ang isa sa mga testigo sa kaso ng pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos kung saan sinabi nito na walang putukang nangyari ng hulihin ng mga naka-sibilyang pulis ang 17-taong gulang na biktima.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Se­nate committee on public order and dangerous na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson, iniharap ang testigo na tinawag na MC bagaman at tinakpan ang kanyan mukha upang hindi makilala.

Ayon kay MC, walang nangyaring habulan, at lalong walang nangyaring putukan.

“Wala pong putukang nangyari. Doon lang po sila nagpaputok sa pababa,” pahayag ng testigo.

Kinilala ni MC ang may hawak na baril na si PO3 Arnel Oares pero tumanggi namang sagutin ang tanong ng mga senador dahil nasa korte na ang kaso.

Nakita umano ni MC ang mga pangyayari noong Agosto 16, lagpas alas otso ng gabi dahil nasa labas siya ng bahay at bibili sana siya ng bigas at sigarilyo.

“Nakita ko sila nagmamadali, sabi nila tabi-tabi…nakatago ako sa gate, nakita ko sa kanilang tatlo lang, dalawa lang po makikilala ko kasi yong isa nakatalikod,” sabi pa ni MC.

Samantala, tinalakay din sa pagdinig ang kaso ni Carl Angelo Arnaiz, 19, na sinasabing nanlaban din sa mga pulis sa Caloocan City matapos mangholdap umano ng isang taxi driver.

Sa affidavit ni PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ng Caloocan Police ay hinoldap umano ni Arnaiz ang taxi driver na si Tomas Bagcal sa C3 Road, Caloocan City noong Agosto 18.

Humingi ng tulong ang taxi driver sa nagpapatrul­yang pulis at inaresto si Arnaiz subalit nanlaban umano ito sa mga awtoridad hanggang sa mapatay.

Pero sa pagsusuri ni Dr. Erwin Erfe, forensic expert ng Public Attorney’s Office (PAO), ay imposible daw ang sinasabi ng pulisya dahil nakaposas si Arnaiz at posibleng nakaluhod ng binaril ng 3 beses sa dibdib.

Nagpositibo naman sa gunpowder nitrate si Arnaiz sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory.

Nais naman ni Sen. Grace Poe na ipatawag sa susunod na pagdinig ang taxi driver na sinasabing naging biktima ni Arnaiz.

Siniguro rin ng Palasyo na walang mangyayaring ‘whitewash’ sa kaso ni Arnaiz.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with