^

Bansa

Ombudsman pasok na sa Kian slay probe

Ellen Fernando at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ombudsman pasok na sa Kian slay probe

Sinabi ni Conchita Carpio-Morales na du­malo sa 2018 national budget hearing sa Senado kahapon, na sinimulan na rin nilang padalhan ng subpoena o imbitasyon ang mga testigo upang magbigay ng sinumpaang salaysay sa pagkakapatay ng mga pulis kay delos Santos matapos ang drug operation sa Brgy. 160, Caloocan City noong gabi ng Agosto 16. File

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Ombudsman ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos.

Sinabi ni Conchita Carpio-Morales na du­malo sa 2018 national budget hearing sa Senado kahapon, na sinimulan na rin nilang padalhan ng subpoena o imbitasyon ang mga testigo upang magbigay ng sinumpaang salaysay sa pagkakapatay ng mga pulis kay delos Santos matapos ang drug operation sa Brgy. 160, Caloocan City noong gabi ng Agosto 16.

Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na kinumpirma sa kanya ng Ombudsman na mayroon silang “concurrent jurisdiction” sa kaso ni delos Santos at nagsasagawa na sila ng pagsisiyasat.

Sasailalim sa imbestigasyon ng Ombudsman ang tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1s Jeremias Pereda at Jerwin Cruz na kasalukuyang nasa restrictive custody ng PNP.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with