^

Bansa

Duterte bumuwelta kay Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte bumuwelta kay Poe

Sa talumpati ni Duterte sa harap ng mga sundalo sa ikalawang pagbisita niya sa Marawi City kamakalawa, sinabi ng Pa­ngulo na siya ang bahala sa kanyang bibig at hindi ito dapat pinakikialaman ni Poe. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines - Binuweltahan kahapon ni Pangulong Duterte si Sen. Grace Poe dahil sa naging paalala tungkol sa kanyang pagmumura na naririnig din at nakikita ng mga batang nanonood sa telebisyon.

Sa talumpati ni Duterte sa harap ng mga sundalo sa ikalawang pagbisita niya sa Marawi City kamakalawa, sinabi ng Pa­ngulo na siya ang bahala sa kanyang bibig at hindi ito dapat pinakikialaman ni Poe.

“At sabihin pa ni Grace na ‘watch your mouth.’ You take care of your… You take care of your mouth, and I will take care of mine because my mouth is not for your mouth,” ani Duterte.

Sinabihan pa ng Pa­ngulo si Poe na manahimik na lang dahil hindi nito naiintindihan ang kanyang posisyon.

“Tahimik ka lang diyan kasi hindi mo naintindihan from where of I --- I stand,” buwelta ni Duterte kay Poe.

Nauna rito, natanong ng media si Poe tungkol sa ginawang pagmumura ni Duterte kay dating pangulong Noynoy Aquino dahil sa naging pahayag nito na parang wala namang nangyayari sa kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabihan ni Duterte si Aquino na pupugutan nito ng ulo kapag pumasok sa droga.

Samantala, muling binanatan ni Dutete si Aquino sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo.

Bagaman at nilinaw ni Duterte na ‘past tense’ na o bahagi na ng nakaraan ang sinabi ni Aquino, muli nitong binanggit na tinawag niya itong gunggong.

“Kasi ito akin ‘to. Sabi kasi ni Noynoy, si Presidente, hindi ako nang-iintriga. Wala na ‘yon eh, past tense na ‘yan. Pero tinanong siya about the drug operation at ang sinabi niya, ‘wala namang nangyari, mag-iisang taon na.’ Alam mo ang retort ko sa kanya, I answered back, napakagunggong mo naman,” pahayag ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with